Katangian ng mga Bayani
Gaano man katagal na panahon ang lumipas, ngayong Araw ng mga Bayani patuloy pa rin nating ginugunita ang mga bagay na kanilang nagawa para sa bansa. Lubos na kahanga-hanga ang kanilang mga naiambag na dapat tularan ng kasalukuyang henerasyon. Para maisakatuparan iyon, ano nga ba ang katangian ng mga bayani? Narito ang kasagutan.
Upang malabanan ang gobyernong kolonyal, pinamunuan niya ang utak ng Kataas-taasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) o mas kilala sa Katipunan. Pinangunahan din niya ang pagpunit ng cedula bilang pagtanggi sa paninigil ng buwis ng mga Espanyol. Tunay na siya ay nagpakita ng katapangan sa mga nabanggit.
Mas kilala sa bansag na “Tandang Sora,” siya ay tinaguriang “Ina ng Rebolusyon.” May ari ng isang tindahan sa Balintawak at nagsilbi itong sangktwaryo ng mga may karamdaman at sugatang rebolusyonaryo. Binigyan niya sila ng atensyong-medikal at pinalakas ang loob sa pamamagitan ng mga payo at dasal bilang pagpapakita ng pagmamahal sa Diyos.
Isa sa pinakabatang heneral ng bansa noong panahon ng Rebolusyong Pilipino at Digmaang Pilipino-Amerikano, siya ay kilala sa tawag na “Goyo” at tinaguriang “Bayani ng Tirad Pass.” Bilang isang mapagpaubayang heneral, sinunod niya ang kautusang hulihin si Heneral Antonio Luna na naakusahang isang tiwali ng gobyerno. Sa huli, napatay na rin si Luna bago pa man sila sumalakay sa lugar na kanilang pinagtitigilan Pangasinan.
Siya ay bihasa sa pagsasalita ng wikang Filipino at Kastila at nag-aral ng batas sa Kolehiyo ng San Juan de Letran at Pamantasan ng Santo Tomas. Bagaman hindi niya natapos an gang kurso ay lumahok siya sa samahang itinatag ni Bonifacio. Sa taglay niyang talino, siya binansagang “Utak ng Katipunan.”
Isang guro at lider-militar mula sa Iloilo, si Inay Isa ay tinaguriang “Joan of Arc” ng Bisayas. Alang-alang sa pagmamahal sa bayan, nagprisinta siyang maging bahagi ng pwersa laban sa mga Espanyol, Amerikano at Hapon. Noon namang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, bagama’t siya ay hindi aktibo ay gumawa pa rin ng paraan upang magkaroon ng kontirbusyon. Naipakita niya ang pagiging mapagkumbaba sa pamamagitan ng pagbebenta ng sariling ari-arian upang makabili ng pagkain para sa mga gerilya kahit walang kapalit.