Ikaw ‘Yung Tipo ng Perya-goer na…
Shows. Games. Rides. Tunay na tatak Pinoy, ito ang mga bagay na tampok sa perya tuwing may piyesta.
Bilang pambigay aliw sa mga manonood, handog ang palabas na para bang nakakapawi ng lumbay. Hindi makukumpleto ang perya experience kung walang pagtaya sa iba’t ibang mga laro gaya ng color game, drop ball, bingo, basketball, darts, pool, shooting gallery, drop cards, tangga, running light, strike zone, lucky one, lucky seven, atbp. Nariyan din ang iba’t ibang uri ng rides kabilang ang bump car, twister, carosuel, velocity, Frisbee, octopus, roller coaster, at ferris wheel.
Naaalala mo pa ba nung pumupunta ka sa perya? Pwes, balikan natin ang iyong pagkabata at alamin kung anong klaseng perya-goer ka. Boto na!
Alam naman na gawa-gawaan lang ang palabas pero aliw na aliw pa rin sa mga sirena, duwende, at iba pa. Kung pwede nga lang makikisali sa entablado at maki-agaw eksena ay ginawa na.
Hanggang carousel at bump car lang ang kaya para iwas disgrasya. Pilitin mo man na sumakay sa ibang rides kahit ilibre mo pa ay tatanggihan ka talaga.
Sobrang lakas ng trip kasi sa halip na matakot ay siya pa itong nanghahabol at nananakot. Mapa-Horror Haus or Horror Train, talagang hindi uubra sa kanya.
Go lang nang go sa lahat basta pangmalakasan! Matibay naman ‘daw’ kasi ang tsubibo, caterpillar, at octopus rides.
Pagkain pala ang dinayo sa perya kaya naman kapag pinapili kung pagkain o laro? Alam na ‘yan! Kain, syempre!
All or nothing pagdating sa peryahan kaya naman always panalo sa lahat ng palaro. Kahit kalian ay hindi pa umuwing luhaan sapagkat may taglay na swerte sa katawan.
Alin ka nga ba sa mga nabanggit sa itaas? It’s #PeryaTime! Dahil diyan, siguradong maaalala mo ang #PeryaFeels suot ang TeamManila Holiday Collection 2018.
Bisitahin lang kami sa Suez & Zapote Gallery sa Makati. Mabiibili rin online sa Dailygrindstore.com at Lazada.
Tara na! Game? Game!
Categories Collection, Features, Hitlist, Lifestyle, Products, Silkscreen